Border Guards ng Saudi Arabia, sangkot umano sa pagpatay sa daan-daang Ethiopian Migrants na nagpupumilit makapasok sa border ng bansa

INAAKUSAHAN ang mga border guard ng Saudi Arabia na sangkot umano sa patuloy na madugong mass killing sa mga migrant mula Ethiopia sa pagnanais na makatawid sa Yemen tungong Saudi Arabia.

Ang nasabing insidente ay kaugnay rin sa inilabas na ulat ni Nadia Hardman ng Human Rights Watch (HRW).

Ayon kay Hardman, imposible nang matunton ang saktong bilang ng mga biktima nito dahil sa tago ang nasabing pagtawid.

Gayunpaman, mariin namang itinatanggi ng pamahalaan ng Saudi ang mga alegasyon hinggil sa paglalarawan ng United Nation experts sa malawakang kaso ng pang-aabuso na ito. ###| 𝗝𝗢𝗛𝗡𝗢𝗔𝗛 𝗠𝗔𝗘 𝗔. 𝗭𝗘𝗣𝗘𝗗𝗔, INTERN