Pangalang isinulat ni Alice Guo kahapon na tumulong umano sa kanilang pagsibat – lumabas na rin sa mga naunang pagdinig ng Senado

Naging magulo umano ang kwento ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa hearing ng Senado kahapon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Senadora Risa Hontiveros na mayroong isang pangalan na inamin at ibinigay si Guo kahapon sa pagdinig.

Ito ay ang pangalan na sinulat ni Go sa papel, dahil hindi niya umano ito maisasapubliko dahil nag-aalala siya sa kanyang seguridad.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Ani Guo, ang pangalan iyon ang tumulong sa kanya sa negosyo at sa pagtakas ng bansa.

Binigyang-diin ni Hontiveros na ang taong iyon daw ang nag-arrange ng yateng sinakyan nina Guo, at ito rin umano ang nagbabanta sa buhay ng dating alkalde.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sinabi ng senadora, napakagulo na ng kwento.

Samantala, ibinahagi naman ng mambabatas na ang pangalang isinulat ni Guo ay hindi Pilipino, at dati na ring lumabas sa mga naunang hearing kaya lalo silang naging interesado.

Aalamin aniya nila ngayon ang papel nito sa POGO sa Pilipinas at pagtakas ng nasibak na alkalde.