Ipinag-utos ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 106 ang paglipat sa kustodiya ng leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy at kapwa-akusado nito mula Camp Crame Custodial Center sa New Quezon City Jail.
Sa desisyong pirmado ni Presiding Judge Noel Parel, ipinag-utos nito na ilipat sina Pastor Apollo Quiboloy at Cresente Canada sa New Quezon City Jail sa Payatas Road sa Bagong Silangan sa QC.
Ang mga akusado namang sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes ay ililipat sa Quezon City Jail, Female Dormitory sa Camp Karingal.
Inaatasan din ng korte ang PNP na iprisinta si Quiboloy at kapwa akusado nito sa pagdinig ngayong September 13, Biyernes alas otso y medya ng umaga via video conference hearing.
Matatandaang humiling ang kampo ni Quiboloy na mailipat ang kustodiya ng pastor sa AFP mula PNP para umano sa kaniyang seguridad o masailalim sa house arrest dahil sa edad ni Quoboloy.