Target tapusin ngayong araw ang siphoning operations para sa lumubog na motor tanker Terranova sa Bataan.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Coast Guard Station-Bataan Lt. Commander Michael John Encina, sinabi nitong nagsimula na ang final approach para sa siphoning operation.
Umabot ng higit 1.3 milyong litro ng oily waste ang nakuha ng contracted salvor na Harbor Star mula August 19 hanggang kahapon.
Samantala, sisimulan na rin ang installation ng mga sea water siphoning pipes o yung pagpapalutang sa MTKR Jason Bradley ngayong araw.
Inaasahan na kung magiging maayos ang panahon – mabilis na itong madadala at hihilahin papuntang Diving Industry Shipyard kung saan dinala rin ang MV Mirola 1.