Ginamit na naman ng di nakilalang indibidwal ang pangalan ng isang konsehal ng Olongapo para makapag-order ng pagkain online.
Ang modus ay kahalintulad ng mga nakalipas na pangyayari kung saan mag-oorder sa mga food delivery ang suspek gamit ang pangalan ng kilalang tao at pagkatapos ay ipapadeliver sa City Hall.
Ayon kay Konsehal Jerome Bacay, nasa 3,700 ang halaga ng popcorn na unang dumating kanina sa kanilang opisina at nakapangalan sa kanya.
Maliban dito ay mayroon pang isang order na nakapangalan rin sa kanya at nagkakahalaga ng 5,000.
Mabuti na lamang umano dahil kilala siya ng may-ari ng establishemento kaya itinawag muna sa kanya para kumpirmahin kaya hindi na ito natuloy na ideliver pa sa City Hall.
Panawagan ni Bacay sa mga food delivery at negosyante na kapag may mga ganitong order ay kumpirmahin muna sa taong ginagamit ang pangalan para maiwasang mabiktima ng scam.
Kaugnay nito, agad ring nag-abiso sa publiko si Vice Mayor Jong Cortez kanina para hindi na mabiktima pa ang ibang mga negosyante.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
