Panelo: Pangulong Marcos, ‘misinformed’ lang sa di umano’y gentleman’s agreement

Muling nanindigan si dating Presidential Chief Legal Counsel na si Atty. Salvador Panelo na walang pinasok na anumang kasunduan si dating Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang China.

Anya, tatlong dating myembro na ng gabinete ni Duterte ang magkakahiwalay na naglabas ng kanilang pahayag na walang pinasok na kasunduan, formal man o informal si former President Duterte sa China tungkol man ito sa West Philippine Sea, Ayungin shoal o BRP Sierra Madre.

Andun din anya sya nang mag state visit si Duterte sa China gayundin sa dialogue sa pagitan ng Chinese President at FPRRD, kung saan wala ring nangyaring kasunduan.

Naniniwala si Panelo na misinformed o inililigaw lang si Pangulong Bongbong Marcos patungkol sa umano’y gentleman’s agreement.

Nagpaalala rin ito sa publiko na dapat maging maingat sa mga kumakalat na impormasyon at bogus narrative tungkol sa naturang usapin.

Nabatid na sinabi ni Pangulong Marcos na “horrified” sya o nangilabot sa sinasabing gentleman’s agreement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *