Pandemic nakahadlang sa physical inventory ng P9.48B assets ng Davao City

Ipinaliwanag ni Davao City Mayor Sara Duterte na ang COVID-19 restrictions at ang pagpapatupad ng strict community quarantine ang nakahadlang sa lungsod na makapagsagawa ng physical inventory sa halos P9.48 billion na halaga ng assets na kinukuwestiyon ngayon ng Commission on Audit (COA).

Read More:  Recto fires back at Leviste, exposes alleged vote-buying and billion-peso political deals

Ayon kay Duterte, sapat na idenetalye ng city government sa kanilang report ang existence ng naturang mga assets, pero dahil umano sa pandemya, imposibleng magawa ang actual count.

Dagdag ng alkalde, ito rin umano ang mga key issues na inilahad sa COA exit conference noong nakaraang Pebrero.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Mababatid na pinuna ng COA ang Davao city government dahil sa kanilang kabiguan na makapagbigay ng sapat na disclosures sa property, plan at equipment accounts para sa P9.48 billio—o 40 percent ng kanilang P23.66 billion total assets, na naitala sa katapusan ng December 2020.