Panawagan sa patas na sweldo at tamang benepisyo, laman ng isinagawang unity ride & protest ng delivery Riders-Pampanga chapter

Naging laman sa isinagawang unity ride & protest ng mga delivery riders-Pampanga Chapter kahapon, ang patas na sweldo at tamang benepisyong ibinibigay sa kanila.

Ayon kay Mark Vallejo – Volunteer Organizer ng nasabing samahan, maliban sa pagpapalakas ng kanilang samahan nais rin nilang ituwid ang mga maling sistema sa pamamalakad ng delivery platform at bigyan sila ng pansin ng Gobyerno.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa kasalukuyan raw kasi, walang mga benfits maging insurance ang mga ito lalo pa’t medyo delikado ang kanilang trabaho.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Samantala, nasa mahigit 200 na ang miyembro ng mga delivery riders sa lalawigan ng Pampanga.