‘Panahon na para irehistro ang lahat ng cold storage facilities para… – DA

Binigyang diin ng Department of Agriculture (DA) na panahon na para irehistro ang lahat ng cold storage facilities sa bansa, para matugunan ang problema ng gobyerno ng smuggled agricultural products.

Ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez, na ang cycle kung saan tinatago ng mga traders ang agricultural products kapag harvest season at iniimbak sa cold storage facilities, at ilalabas lang kung nagtataasan na ang presyo nito, ay kailangan nang matigil.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Una nang sinabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na dapat mahigpit na imonitor ng DA at ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpasok ng imported agricultural products sa bansa.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Ito’y matapos makumpiska ng mga otoridad ang nasa P3.9 million na halaga ng smuggled white onions sa Divisoria, Manila. //MHEL PACIA