Pinaalalahanan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang mga law graduates, na ang pag-aabogado ay hindi nagbibigay ng entitlement at hindi rin umano lisensya para maging “superior.”
Sa graduation ceremony sa Ateneo de Manila University (AdMU) School of Law, hinimok nito ang mga graduates, na maging abogado na may mataas na standards ng legal proficiency, morality, honesty, integrity, at fair dealing” at mayroong burning passion para sa hustisya at malakas na pagnanais na makapagsilbi.
Si Chief Justice Gesmundo, ang speaker sa naturang seremonya, na una nang nakansela noong Oct. 24, 2022 nang may nakapasok na gunman sa loob ng AdMU campus na nagresulta sa pagkakasawi sa tatlong katao, bago magsimula ang graduation program.

Sa gitna ng kanyang pagsasalita, bahagyang tumigil si Gesmundo at nagbigay ng kanyang panalangin para sa mga pamilya ng mga biktima.
Bilang alumni rin ng naturang unibersidad, ay nagbigay ito ng tribute sa kanyang alma mater. //MHEL PACIA