Comelec, inanunsyong mas maraming sites na ang kasama sa Register Anywhere Project

Mas marami pang pilot sites ang naidagdag para sa pilot testing ng Register Anywhere Project (RAP).

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), na angmga karagdagang sites ay itinayo sa Robinson’s Mall Tacloban, Barangay Baras Baras, Tacloban City; SM City Legazpi, Imelda Roces Avenue, Zone 9, Barangay 37 Bitano, Legazpi City, Albay; at Robinson’s Mall Naga, Naga City, Camarines Sur.

Read More:  Marcoleta drops ‘Senator’ title for Ping Lacson

Una nang sinabi ng poll body na sisimulan ang RAP sa limang mga piling malls sa National Capital Region, kabilang na sa SM Mall of Asia sa Pasay City, SM Fairview sa Quezon City, SM Southmall sa Las Piñas City, Robinson’s Place Manila, at Robinson’s Galleria sa Quezon City sa December 17.

Read More:  Lacson hopes to become Marcoleta’s “BFF” again

Dagdag ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, na ang proyekto ay isasagawa kada Sabado at Linggo mula December 17 hanggang January 22, 2023, pero walang registration na gagawin sa December 24, 25, 31, 2022 at January 1, 2023.

Sinabi ni Laudiangco na ang mga aplikante ay kailangan magsumite ng kanilang application form, documentary requirements, at ang biometrics ay isasagwa on-site. //MHEL PACIA