Pamunuan ng San Raphael Parish sa Legazpi City, nanawagan sa mga may-ari ng imahen, na manguna sa pagpapasunod ng health protocols sa prusisyon

BNFM BICOL– Nanawagan si Rev. Fr. Dave Ramoso – Kura Paroko ng San Rafael Parish sa lungsod ng Legazpi sa lahat ng mga pamilyang nagmamay-ari ng imahen na ipu-prusisyon ngayong Semana Santa, na manguna ang mga ito sa pag obserba at pagpapanatili ng health protocols sa mismong araw ng pagsasagawa ng aktibidad.

Ginawa ni Ramoso ang panawagan kasabay ng pag-anunsiyo nitong preparado na ang kanilang parokya sa mga isasagawang aktibidad sa lungsod ngayong Mahal na Araw partikular na ang prusisyon na ngayong taon lamang muling pinahihintulutan bunsod na rin ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dati lamang aniya ang rutang daraanan nito ngayong darating na Miyerkules at Biyernes Santo habang isasagawa naman sa Linggo ng Pagkabuhay – April 17, ang Salubong Engkwentro sa Sawangan Park ng naturang lungsod.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa huli, binigyang diin ni Fr. Ramoso na sakabila ng pagpapahintulot na maisagawa na ang ilang mga nakaugaliang aktibidad ngayong darating na Semana Santa, mahalaga pa rin aniyang sundin ng mga deboto at mananampalataya ang mga umiiral na safety health protocols para sa kaligtasan ng lahat.###