BNFM BICOL—Isinagawa kahapon araw ng Biyernes ng COMELEC-Catanduanes, ang Oplan Baklas sa islang lalawigan na pinangunahan mismo ng nasabing komisyon at ng mga personahe ng PNP, DENR at DPWH.
Ayon kay Atty. Maico Julia Jr. ng COMELEC-Catanduanes, naobserbahan aniya nila sa pagsasagawa ng operasyon na marami pa ring mga tumatakbong lokal na kandidato sa probinsya, ang hindi sumusunod sa itinakdang guidelines ng komisyon hinggil sa paglalagay ng kanilang mga campaign materials sa mga designadong lugar.
Karamihan aniya sa mga ito ang nakadikit o nakasabit sa mga tulay, government owned establishments at mga punong kahoy habang ang ilan ay maituturing umanong oversized at hindi akma sa inirerekomenda nilang sukat.
Dahil dito, muling nanawagan ang opisyal sa lahat ng mga tumatakbong lokal na kandidato sa Catanduanes na sundin ang umiiral na ‘Fair Election Act’ habang hiningi naman nito ang kooperasyon ng publiko na ipagbigay alam sa COMELEC ang mga katulad na paglabag.###