Aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol, nasa 585 na lamang

BNFM BICOL—Nasa 585 na lamang ang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol region batay sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon.

Sa datus ng ahensya as of April 7,2022, nasa 147 ang nananatiling aktibong kaso ng sakit sa lalawigan ng Camarines Sur; 90 sa Masbate; 54 sa Naga City; 40 sa Catanduanes; 38 sa Albay; 11 sa Legazpi City; mmay dalawa ang Camarines Norte habang isa naman ang active case sa lalawigan ng Sorsogon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu
Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, zero new case o wala namang naitalang bagong kaso ng sakit ang buong rehiyon kahapon kung kaya’t nanatili sa 59,042 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol, nasa 56,040 na ang mga gumaling habang nasa 2,417 naman ang mga nasawi.###