Pamunuan ng Kadiwa Lamares, hindi pa tiyak kung kailan makakapagbenta ng P29 per kilong bigas

BATANGAS CITY – Hindi pa alam ng pamunuan ng Kadiwa Lamares sa Lipa City, Batangas kung kailan sila makakapagbenta ng P29.00 na per kilo ng bigas para sa publiko.

Sa panayam ng Brigada Batangas sa tauhan ng naturang Kadiwa, wala pa raw silang natatanggap na instructions mula sa DA Central, kaya’t hindi pa nila alam kung kailan magkakaroon ng murang bigas.

Samantala, bukas naman anila ang Kadiwa store tuwing araw ng Lunes, Martes at Miyerkules, mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali, kung saan makakabili ng mga mura at sariwang produkto ng mga magsasaka.