Pamunuan ng Daraga public market, nagsagawa ng monitoring at inspeksyon sa mga market vendor dahil sa mga reklamong natatanggap na mga mamimili

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng monitoring at inspeksyon ang pamunuan ng Daraga Public Market sa mga market vendors partikular ang mga karnehan at isdaan sa nabanggit na lugar.

Ayon sa OIC-market administrator Jasper Dugan, binigyang-aksyon ang mga sumbong na ipinarating sa kanila ng iilang mamimili sa loob ng nasabing merkado-publiko tungkol sa paggamit ng palara na magsisilbing ilaw ng mga market vendor.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Aniya, regular na bibisitahin ng opisyal upang i-monitor ang mga vendor ng public market.

Maaari umanong gamitin ng mga mamimili ang timbangan ng bayan upang matiyak na ang nga binibiling produkto tulad ng isda, karneng baboy, manok at baka ay nasa tambang timbang

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Tiniyak ng opisyal na susundin ng lahat ng nagtitinda sa public market ang mga ipinapatupad na alituntunin.