Inflation rate sa Bicol, patuloy ang pagtaas mula Enero hanggang Setymbre 2022

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Statistic Authority (PSA) Bicol na patuloy na sumisipa ang inflation rate rehiyon Bicol mula sa buwan ng Enero hanggang Setyembre 2022.

Ayon kay Coney Frances Baleda, kung ikukumpara umano ang inflation rate ng buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon ay nasa 6.3 lamang ito ngunit pagpasok ng Setymbre ay pumalo na ito sa 6.6%.

Paliwanag ng ahensya ang mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation rate sa rehiyon na nasa commodity group ay ang restaurant and accommodation services na nasa 4.6%, sinundan ito ng food and alcoholic beverages nasa 6.1%, clothing and foot wear na nasa 7.1%. Maliban rin sa mga nabanggit na commodity group tumaas rin ang alcoholic and tobacco nasa 7.4% , housing, water electricity, gas and other fuel na nasa 9.8%, health 3.8%, information and communication 1.4%, recreation, sport and culture 3.4%, education services 2.4%, and personal care and misillaneous good and services 4.8%.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City
Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Binigyan diin nito ang pinakamabilis pa rin sa commodities group na pagtaas sa inflation rate ay ang restaurant and accommodation, food and non alcoholic beverages particular ang pagkain sa fish, dairy products, sugar.

Sinabi ng opisyal, simula sa buwan ng Setymbre taon 2021 hanggang Enero 2022 ay pababa ang inflation rate nito ngunit sa pagpasok ng taon 2022 ng Enero ang inflation rate lamang ay nasa 2.7% hanggang sa mga susunod na buwan ay pataas ng pataas ang inflation rate sa Bicol.