Bagong condonation program ng SSS bilang tulong sa mga miyembrong hindi pa nakakabayad ng loans, inilunsad

LEGAZPI CITY – Opisyal nang iniludsad kamakailan ng Philippine Social Security System (SSS) ang kanilang bagong programang tumutulong sa mga miyembro na mabayaran ang kanilang past-due-loans.

Ang nabanggit na programa ay ang Consolidation of Past Due Short-term Member Loans with Condonation of Penalty, kung saan hinihikayat ng presidente at chief executive officer nito na si Michael Regino na gamitin o makiisa rito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala, ang mga kwalipikadong miyembro na maaaring mag-avail ng programa ay ang mayroong outstanding na salary loans kabilang ang Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), calamity, emergency at restructed loan.

Dagdag pa nito, sa ilalim ng programa, pag-iisahin ng opisina ang principal at ang interes ng past-due-short-term member loans ng isang miyembro sa pinagsamang loan habang ang unpaid penalties naman ay kinakailangang pagsamahin sa full payment ng loan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Para naman sa karagdagang impormasyon hinggil sa naturang programa, maaaring sumangguni sa official Facebook page ng SSS.