Pampanga Provincial Government at Angeles City Government, magtutulungan para makamit ang Herd Immunity

Nag-sagawa ng dayalogo kahapon si Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda at Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., para pag usapan kung papaano makamit ang Herd Immunity sa lalawigan at sa nasabing lungsod.

Kasama rin sa naturang pag-uusap sina Pampanga First District Rep. Carmelo ‘Jon’ Lazatin II at Lubao Mayor Esmeralda ‘Esmie’ Pineda.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Isa sa kanilang napag usapan kung papaano maisaayos at mas mapabilis ang proseso ng pagbabakuna.

Kaya naman pinag-aaralan ngayon ng mga local officials na ibaba na sa mga barangay ang vaccination roll-out.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Mababatid na sinabi ng OCTA Research Group na posibleng makamit ang “No Mask Christmas” kung makamit ang Herd Immunity ng mga NCR Plus 8 kasama ang Pampanga.