Pampanga Gov. Pineda – kinumpirmang ang pagkakarekober ng mga labi ng nawawalang beauty queen, Israeli boyfriend sa Capas, Tarlac

Kinumpirma ni Pampanga Governor Dennis Pineda na ang dalawang labing narekober sa Capas, Tarlac, ay ang mga labi ng nawawalang beauty queen na si Geneva Lopez, at ang kaniyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Gobernador na kinumpirma na raw ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dal’wa, na narekober sa Sta. Lucia sa Capas.

Read More:  Palace respects arrest warrant vs. VP Sara, camp set to post bail

Una rito, sinabing nagtungo sa Tarlac City mula sa Angeles, Pampanga ang magkasintahan para tingnan ang bibilhing lupa.

Read More:  P162 million worth of kush seized from distressed yacht in Subic Bay

Kinita ng 2 ang middleman sa bibilhing lupa pero hindi na nakabalik ang mga biktima ayon na rin sa pamilya ni Lopez

Nauna nang bumuo ng special Investigation Task Group ang PNP para sa imbestigasyon ng kaso ng pagkawala ng 2.