Lalaki, timbog sa joint operation sa Rosario, Batangas

Batangas City – Timbog ang isang lalaking nakatala bilang municipal level most wanted person at high value individual sa isinagawang joint operation ng mga awtoridad sa Barangay Putingkahoy, Rosario, Batangas.

Ang nasabing akusado ay tatlumpong taong gulang na residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang 9:48 ng umaga, July 4, 2024 ng madakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 87, Rosario, Batangas na may inererekomendang pyansa na P200,000 pesos.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong pag labag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.