Pampanga beauty queen na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend, namatay dahil sa tama ng baril

Tig-dalawang tama ng bala ang nakita sa resulta ng awtopsiya ng beauty queen na si Geneva Lopez at kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen.

Ito’y matapos magsagawa ng sairling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga labi ng dalawa, na nahukay sa isang quarry site sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac noong Sabado ng umaga.

Read More:  Ombudsman says INC rally won’t stop Marcoleta probe

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, may slug o bahagi ng bala na nakita sa katawan ni Lopez na isasailalim sa ballistics examination.

Wala pang resulta ng DNA sa labi ng dalawa na isinagawa ng Scene of the Crime Operation (SOCO), ngunit kinilala ng mga kaanak nila Lopez at Cohen ang mga nahukay na bangkay batay sa mga sunot nilang damit.

Read More:  Palace urges VP Sara to answer before Impeachment Court

Sa ngayon, na-cremate na ang mga labi ng beauty queen habang ang katawan naman ni Yitshak ay ibabalik sa Israel kung saan siya ililibing ayon sa mga tradisyon ng kanilang bansa.