Embahada ng Israel – umaasang mapananagot ang mga taong nasa likod ng pagkamatay ng beauty contestant, Israeli boyfriend

Nagpahayag ng pakikiramay ang Embahada ng Israel sa pagkamatay ng isa nilang kababayang si Yitshak Cohen, at ang girlfriend nitong Pinay beauty contestant na si Geneva Lopez.

Ito ay matapos matagpuan ang bangkay ng dalawa noong Sabado sa Barangay Sta. Lucia, bayan ng Capas sa Tarlac.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Sa isang statement ay nagpahayag din ng pakikidalamhati ang Israeli Embassy para sa pamilya ng dalawa.

Pinasalamatan naman ng embahada ang mga otoridad ng bansa para sa mga ikinakasa nitong hakbang para sa imbestigasyon at pagkaka-locate sa magkasintahan.

Read More:  BINI named Philippines’ new tourism ambassadors

Umaasa raw silang mabubusisi ang insidente, at mapananagot ang mga taong responsable sa pagkamatay ng mga ito.