NAGA CITY- Napa sana all ang maraming mga estudyante sa financial assistance at school supplies na ipinamahagi ng Sanguniang Kabataan sa Libmanan, Camarines Sur.
Sa pangunguna ng SK Chairman ng Brgy. Mambayawas, Libmanan, Camarines Sur na si Jeffrey Rili, na benipisyunan ang mga Senior High at College students ng barangay.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay SK Chairman Rili, sinabing 3,000 ang natanggap ng mga SHS na Grade 11 at 12 at 6,000 naman kada isa para sa mga College students.
Ang bawat SHS at College students ay naka tanggap din ng School Supplies katulad ng: Laptop/Study Table, Highlighter, Ballpen, lapis, Tablet Paper, Ruler at iba pa.
Naipamahagi na ng SK Mambayawas sa 44 na Senior High School Students ang kanilang Financial Assistance na mula sa SK Fund na nagkakahalaga ng 3,000 pesos bawat isa.
Naibigay din sa 27 College Students ang 6,000 bawat isa na Financial Assistance para sa 1st & 2nd Semester (3,000 pesos per Sem) para sa S/Y 2021-2022.
Php. 294,000 ang kabuoang pinansyal na tulong na binigay 44 SHS & 27 College Students.
Ang Financial Assistance sa mga nasabing estudyante ay sumasaklaw sa SK Iskolar Program (SKIP) ng SK Mambayawas. Hangad ng proyektong ito na paunlarin ang sektor ng edukasyon.