Mahigit 200 Narra seedlings itinanim sa Bicol Natural Park kaugnay sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 265 na narra seedlings ang itinanim sa loob ng Bicol Natural Park noong Miyerkules kaugnay sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month.

Ayon kay DENR- PENRO Marlon Francia kasabay ng Tree Planting activity ay ang road clean- up sa bahagi ng parke mula sa Tuaca hanggang sa may bahagi ng Sooc sa Camarines Sur.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ang simultaneous Tree Planting Activity ay dinaluhan rin ng iba’t- ibang sector at indibidwal.

Ngayong araw naman ay ang anibersaryo ng ahensiya kung saan magkakaroon ng family day celebration sa opisina ng DENR sa Daet.

Magkakaroon din ng Saringaya award sa Regional Office kung saan bibigyan ng parangal ang mga indibidwal, institusyon at Local Government Unit na nag excel at mayroong ipinatupad na mga innovation tungo sa ikakaganda ng ating kapaligiran.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Patuloy naman ang panghikayat ng ahensiya sa publiko na suportahan ang mga programang may kaugnayan sa panganagalaga sa kapaligiran.