DepEd Bicol may paalala sa mga guro at iba pang kawani nito hinggil sa political neutrality sa paparating na halalan

BICOL—Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) Bicol ang mga guro at iba pang kawani ng ahensya na manatiling non partisan o apolitical ngayong paparating ang 2022 elections.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay May Flor Jumamil, tagapagsalita ng DepEd Bicol inihayag nito na dapat maging maingat ang kanilang mga kawani sa paglalabas ng saloobin lalo na sa social media hinggil sa mga kandidato.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Hindi naman anya bawal ang magkomento o maglabas ng opinion hinggil sa eleksyon o mga kandidato, pero kailangan lang ingatan na hindi mauwi sa electioneering ang anumang bibitawang pahayag.

Anya, kailangang isaisip ng kanilang mga kawani ang Magna Carta for Teachers at Ethical standards upang makaiwas sa anumang pananagutan.

Kailangan din umanong isaalang-alang ang guidelines ng Civil Service Commission (CSC) para sa mga government employees hinggil dito.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Papasok sa electioneering ang anumang komento kung ito ay nanghihikayat o humihingi ng suporta para sa isang kandidato o partido na mistulang pangangampanya para sa halalan.

Mababatid na ang mga guro ang siyang nakakatuwang ng Commission on Election (Comelec) sa pagsasagawa ng halalan kung saan kinakailangan nilang manatiling nonpartisan o apolitical.### ||slm, with reports from BNFM Legazpi