Iniimbestigahan na ngayon ng National Bureau of Investigation ang isang inmate mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa na iniugnay ngayon sa kaso ng pagpatay sa brodkaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.
Kinumpirma sa Brigada ni IPPF information officer CTO II Levi Evangelista na isang Denver Mayores mula sa medium-security ang dinala sa Manila.
Ang NBI na aniya ang nag-iimbestiga sa inmate at hindi ang Bureau of Correction ( BuCor).
Ipinagdiinan sa Brigada ni Evangelista na hindi pa nila alam ang direktang kaugnayan sa kaso ni Mayores dahil ang NBI Manila ang nag-iimbestiga rito.