Pagtugis sa mga suspek na sangkot sa kreminalidad sa bayan ng Tantangan nagpapatuloy

KORONADAL CITY – TINIYAK ni PMaj. Randy Apostol hepe ng Tantangan Municipal Police Station na nagpapatuloy ang pagtugis ng Tantangan PNP sa mga suspek na may kinalaman sa mga kreminalidad na nangyayari sa kanilang bayan. Ayon sa opisyal na kadalasan sa mga suspek na sangkot sa kremin ay agad na umaalis sa kanilang lugar, subalit hindi umano ito hadlang upang matakasan ng mga ito ang kamay ng batas. Aniya, ginagawa umano ng mga otoridad ang lahat upang mapanagot ang mga suspek at mabigyan ng hustisya ang mga biktima. Siniguro din ng opisyal sa publiko na ginagawa ng mga ito ang lahat mapanatili lamang ang kaayusan at katahimikan sa kanilang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *