Pamilya ng mga biktima ng vehicular accident sa Abulug Cagayan, binigyan ng tulong pinansyal ng DSWD FO2

PAMILYA NG MGA BIKTIMA NG VEHICULAR ACCIDENT SA ABULUG CAGAYAN ,BINIGYAN NG TULONG PINANSYAL NG DSWD FO2 Binigyan ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2 ng tulong ang pamilya ng mga biktima sa banggaan ng bus at pick up kamakalawa sa Abulug Cagayan.

Tinanggap kahapon ng isang pamilya na may tatlong nakaligtas ang sampung libong piso .Sakay ang mga ito ng Pick up . Nagmula ang tulong sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situations ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Layunin ng ibinahaging tulong pinansiyal na matulungan ang mga nakaligtas sa kanilang gastusin sa ospital dulot ng kanilang kritikal na sitwasyon.

Nakatanggap naman ng P20,000 ang bawat kaanak ng 11 na namatay sa aksidente. Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD FO2 sa lokal na pamahalaan ng Abulug upang masiguro na mabigyan ng wasto at sapat na tulong ang mga biktima ng nasabing aksidente.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Matatandaan na nasawi ang labing isang katao sa banggaan ng bus at pick-up noong Huwebes sa Brgy Ayaga Abulug Cagayan na ikinasugat din ng mga pasahero ng bus kabilang na ang driber at konduktor nito at tatlong sakay ng pick up.

Galing ang mga ito sa isang lamay sa Flora Apayao at pauwi ng Barangay Dana-ili Allacapan Cagayan ng mangyari ang trahedya ./// analiza

Credits: DSWD Region 2