HUMAN RIGHTS STAKEHOLDERS FORUM,ISINAGAWA SA ISABELA Isinagawa noong Huwebes sa Isabela Amphitheater Provincial Capitol City of Ilagan ang “PNP-CHR-LGU-CSOs Human Rights Stakeholders’ Forum” na pinangunahan ni PBGen Jerico O Baldeo , Hepe ng PNP Human Rights Affairs Office.
Tinalakay sa aktibidad ang PNP and the Human Rights, E.O. No. 70 Institutionalizing the Whole Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace, at Human Rights and the Barangay Human Rights Action Center .
Nagsilbing resource speaker sina PBGen Baldeo, PMaj Marvin Pascua , Provincial Legal Officer ng IPPO at Atty. Jimmy P. Ballga, Regional Director, CHR 02. Matapos ang pagtalakay sa mga nabanggit na usapin, isinagawa ang open forum at sinagot ng mga Human Rights Officers ang katanungan ng mga inimbitahang kalahok mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Isabela.
Dumalo din sa aktibidad sina PCOL LEE ALLEN B BAUDING, Provincial Director kasama ang Provincial Command at Staff, Force Commanders ng 1st at 2nd IPMFC, Hepe ng CCPS at MPS maging ang PRO2 Human Rights officer na si PMAJ MARY JANE C SIBBALUCA.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng impormasyon, edukasyon, at serbisyo na makakatulong sa pagprotekta at pagngangalaga ng karapatang pantao sa tama, patas at ligtas na pamamaraan./// analiza
Credits: PNP Isabela
Enter
You sent



