Pamilya Furigay, pinayuhang huwag na munang bumalik sa Lamitan City

Pinayuhan na muna ng BARMM Police ang pamilya Furigay na mag-ingat at hanggat maari ay huwag na munang bumalik sa Lamitan City sa Basilan.

Ito nga ay makaraang patayin din si Rolando Yumol sa tapat ng tahanan nito kahapon.

Si Rolando ay ang ama ni Dr. Chao Tiao Yumol, ang suspected gunman sa pamamaril sa Ateneo de Manila University kung saan ay napatay sina dating Lamitan Mayor Rosita Furigay, aide nitong si Victor Capistrano, at security guard ng ADMU na si Jeneven Bandiala.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Naniniwala si BARMM Police Regional Dir. Brig. Gen. Arthur Cabalona na ang pagpaslang sa nakatatandaang Yumol ay posibleng ‘off-shoot’ ng pamamaril kay Furigay.

Dahil dito, pinaiiwas na muna ang mga Furigay na bumalik sa kanilang Lungsod.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Paliwanag ng opisyal, iniiwasan umano nilang lumala pa ang gantihan sa insidente at madagdagan pa ang casualties.

Bago ito, una nang kinumpirma ang pag-alis ng pamilya Yumol sa kanilang tahanan bilang bahagi ng kanilang seguridad.

Sa ngayon, mas pinaigting pa ng mga kapulisan ang police visibility at mga checkpoints sa area.
#