CSWDO-Naga bukas sa pagpapaampon sa mga batang nasa pangangalaga nila

NAGA CITY –Ipinapatupad din ng City Social Welfare and Development Office ang adoption program ng Department of Social Welfare and Development batay sa Republic Act 8552 o ang Domestic Adoption Law, na ang ibig sabihin ay bukas ang CSWDO na ipaampon ang mga batang nasa pangangalaga nila, subalit kailangan na dumaan sa legal na proseso.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Annabelle Vargas,head ng CSWDO sinabi nitong may mga available silang mga bata na puwedeng ampunin, may sanggol at hanggang walong taong gulang, ngunit may mga requirements silang dapat na ma-comply ng interesadong maging foster parents.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

May mga ipinaampon na sila at karamihan sa mga umampon ay mga sariling-tao din lang ng bata,kung hindi tiyahin,tiyuhin o kaya ang mismong lolo at lola.