BICOL—Patuloy na nakakatanggap ng mainit na suporta si Miss Angelie Aubrey Asuncion ang kaisa-isang Bicolana na tubong Sto. Domingo, Albay at kakatawan sa rehiyon sa nalalapit na coronation ng Miss Philippines Earth 2021.
Matapos ang kanyang pagbisita sa iba’t-ibang LGU sa probinsya ng sa nasabing lalawigan, nagpahayag ng suporta sa beauty queen ang ilang mga kilalang lider at opisyal ng pamahalaan sa Albay habang nangako naman ang buong Sangguniang Panlalawigan na ibibigay nito ang anumang pangangailangan ni Asuncion para sa kanyang kompetisyon.
Samantala, inihayag naman ng bicolana beauty na dati pa man ay proud na siyang maging isang Albayana at sisikapin niyang magbigay ng karangalan at maging proud sakanya ang mga kapuwa Albayano. Gaganapin ang coronation ng Miss Philippines Earth 2021 sa darating na Hulyo.###