Pambato ng Albay sa 21st ASEAN+ Chess Tournament, nagkamit ng 2 silver medals

LEGAZPI CITY – Nakamit ng pambato ng Albay ang dalawang silver medals sa isinagawang 21st ASEAN+ chess tournament na dinaluhan din ng mga bansang Myanmar, Indonesia, Thailand, Singapore, China at Malaysia.

Ang nasabing chess player ng Albay ay si Bince Rafael Operiano, residente ng Busac, bayan ng Oas.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nauna na ring nagkampeon si Operiano sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand noong nakaraang taon.

Matatandaan, naging maugong ang usap-usapan na para umano makalahok sa nasabing kumpetisyon noong 2022 si Operiano, kinailangan pang maghanap ng kaniyang mga magulang ng ilang mga sponsors para sa panggastos nito sa bansang pupuntahan lalo na ang plane tickets dahil salat din sa pera ang kanilang pamilya.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kwento ng nanay nito, six years old pa lamang siya ay atuklasan na nila ang husay ni Bince sa chess.

Sa katunayan umano, bago pa man magkaroon ng COVID-19, nagwagi na ito sa National Age Chess Group Kiddie category na ginanap sa Albay Astrodome.