60 residente ng Daraga, Albay, nabigyan ng libreng serbisyong medikal ng ABMLC

LEGAZPI CITY – Umabot sa 60 mga residente ng Daraga, Albay ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal sa Arangkada Banwa Mobile Lab and Diagnostic Clinic (ABMLC).

Isinagawa ito sa Anislag Infirmary at Daraga Covered Court kung saan sa Anislag Infirmary ay mayroong 42 katao na nakatanggap ng libreng medical check-up, habang 18 indibidwal naman sa Daraga Covered Court ang nabigyan ng libreng laboratory tests .

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Isa umano itong hakbang ng lokal na gobyerno upang mabigyan ng access sa pangangalaga sa kalusugan ang mga residenteng nakatira sa malalayong lugar.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Tiniyak naman ng LGU na marami pang mga susunod nito at sa mga gustong makapag-avail ay tatlo lamang ang kailangangang dalhin na kinabibilangan ng valid ID, certificate of indigency at doctor’s request.