Pamamahagi ng Voters’ Information Sheets (VIS) tatapusin ng Comelec ngayong Abril

CAMARINES NORTE- Tatapusin ng Commission on Elections ang pamamahagi ng Voters’ Information Sheets (VIS) ngayong Abril upang maagang mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga botante bago pa man ang halalan sa Mayo 9.

Sa bayan ng Basud ay nagpapatuloy ang pamamahagi ng VIS kung saan nag -hire ang Comelec ng Job Order employees para gawin ito sa tulong ng mga opisyal ng Barangay.

Ayon kay Municipal Election Officer Virgilio Veras bago pa man ang Semana Santa ay nagsimula na silang mamahagi ng VIS sa mga barangay at ngayon ay tinatapos na lang ang distribution sa mga nalalabi pang barangay.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa ilalim ng Republic Act 7904 o Omnibus Election Code, ay inaatasan ang Comelec na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga botante hinggil sa nalalapit na halalan.

Ang VIS ay naglalaman ng mga mahahagalang impormasyon hinggil sa halalan tulad ng sample ng balota, pangalan ng mga kandidato sa iba’t- ibang posisyon at Precinct Number.

Importanteng alam ng mga botante ang kanilang precinct number upang hindi masayang ang oras sa paghahanap ng kanilang pangalan sa voting center sa mismong araw ng botohan.

“Dapat mai- deliver ito hanggang katapusan ng buwan para masiguro yung mga kabarangay natin na alam nila kung sino yung mga dapat botohan natin sa iba’t ibang posisyon mula ational, provincial at municipal level,” ani Veras sa panayam ng Brigada News FM Daet.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Mayroon ding Posted Computerized Voters List (PCVL) ang Comelec sa kada barangay upang maagang makita ng mga tao kung sila ba ay nasa listahan ng registered voters.

“Ininform natin ang mga botante ng kada barangay na malayo pa ang araw ng eleksyon alamin na nila kung ang kanilang pangalan ay kasama sa talaan ng mga botante ng kani- kanilang barangay.”