Bishop Alarcon hinimok ang bawat isa na maging tapaghatid ng katotohanan at hindi ng fake news

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang bawat isa na maging tapaghatid ng katotohanan at hindi ng fake news.

Sa gitna ito ng mga naglipanang fake news at maling impormasyon lalo na sa social media na tila nagiging “battle of narrative” o kaniya- kaniyang imbentong kwento.

Aniya ang muling pagkabuhay ni Jesus ay paanyaya sa bawat isa na maging tagapagbalita at tagapaghatid ng katotohanan.

Sa buhay ay dapat umanong palaging hanapin ang katotohanan at mamuhay dito sa halip na magpakalat ng maling impormasyon.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ayon sa Obispo, hindi ito madali lalo na sa panahon ngayon na maraming “partial” information” na nakukuha sa social media.

Ang paghahanap umano sa katotohanan ay hindi palaging madali dahil nangangailangan ito ng pasensya, tiyaga, katapatan at pagpapakumbaba.

Ang paninindigan at ang pamumuhay umano ayon sa katotohanan ay nangangailangan ng kapakumbabaan at lakas ng loob dahil ito ang magpapalaya sa atin.

The easter message, the resurrection of the Lord invites us to be herald of truth, to be bearer of truth, so that in our lives we must always seek what is true and live by the truth and not simply spread news and information that are false,” ani Alarcon.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

As easter people we are to preach the truth of the resurrection of the Lord, a message that brings hope, a message that brings new life.”

Sinabi ito ng obispo sa kaniyang homily kahapon, Lunes sa Oktaba ng Paskuwa.