2 KATAO NA NAGBIBIYAHE NG HINDI DOKUMENTADONG NILAGARING KAHOY, ARESTADO

Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang menor de edad sa Bayan ng Gonzaga matapos mahuling nagbabyahe ng mga hindi dokumentadong kahoy.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, isang concerned citizen ang nagreport sa kapulisan hinggil sa pagpupuslit ng mga hindi dokumentadong kahoy ng dalawang indibidwal.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Ken, 20 anyos, construction worker, at isang menor de edad na pareong taga Lallo, Cagayan na ngayon ay nakatira sa Gonzaga, Cagayan.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Huli sa akto ang mga suspek sakay ng isang kolong-kolong kung saan kinumpiska mula sa kanila ang 20 pirasong kahoy na may kabuoang 80 board feet.

Idinala sa Gonzaga PS ang mga suspek kasama ang mga nakumpiskang kahoy para sa tamang disposisyon.