Pamamahagi ng fuel subsidy card sa mga rehistradong mangingisda sa Camarines Norte halos tapos na

CAMARINES NORTE – Natapos na halos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pamamahagi ng fuel discount card sa mga rehistradong mangingisda sa Camarines Norte.

Ang bayan na lamang ng Vinzons na may 201 beneficiaries ang natitira at naka- schedule ito ngayong araw.

Katatapos lang ang pamamahagi sa Mercedes na may 466 beneficiares na pinakamarami sa lalawigan.

Natapos na rin ang iba pang mga bayan mula nang ipamahagi ang mga fuel discount card noong Agosto.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Bagamat hindi kalakihang halaga ng fuel subsidy malaking tulong na rin daw ito ayon sa mga mangingisda.

Si Mang Ronilo na taga Barangay Caringo sa bayan ng Mercedes ay isa sa mga nakatanggap ng ayuda mula sa BFAR.

Aniya, kumukunsumo siya ng nasa 20 litro kung may kalayuan ang lugar kung saan siya papalaot.

Nagpasalamat ito BFAR dahil makakatulong na rin daw ito sa kaniyang hanapbuhay.

Sa tagal namang mangingisda ni Mang Eric ng Barangay Apuao ay ngayon lang umano siya napasama sa mga nabigyan ng ayuda.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kadalasang kumukunsumo naman aniya siya ng 16 na litro sa kada pagpalaot.

Ang natanggap umano niyang ayuda ay makakatulong na rin sa kaniyang hanapbuhay lalo pa ngayong mahal ang presyo ng petrolyo.

Ang fuel subsidy cash card ay tulong sa mga mangingisda na labis na naapektuhan ng pagtaas ng produktong petrolyo.

Naglaan ang ahensiya ng Php3, 000 fuel subsidy para sa mga rehistradong mangingisda na gumagamit ng bangkang de motor.