Bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Camarines Norte noong Setyembre record high sa antas na 6.0 %

CAMARINES NORTE- Lalo pang sumipa sa mataas na antas ang headline inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Camarines Norte noong Setyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) naitala sa antas na 6. 0 percent ang headline inflation noong Setyembre na mas mataas sa 4. 6 percent  noong Agosto.

Ito na ang pinakamataas na antas ng inflation na naitala ngayong taon simula noong Enero at pinakamataas sa loob ng apat na taon sa magkakaparehong buwan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ang dahilan ng mataas na inflation noong Setyembre sa lalawigan ay ang mahal na gastusin sa restaurants and accommodation services na nakapagtala ng record high na 13. 0  percent.

Nananatili ring mataas ang gastusin sa pabahay, tubig, kuryente at petrolyo na may 8. 7 percent inflation.

Nag- ambag pa sa mataas na inflation ay ang alcoholic beverages and tobacco, mahal na transport cost sa lalawigan at food and non- alcoholic beverages.

Naitala naman sa antas na 6.6  percent ang headline inflation sa buong Bicol na mas mataas kumpara sa 6. 3 percent noong Agosto.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Pinakamataas din ito simula noong Enero at sa loob ng apat na taon mula noong 2019.

Pinakamabilis naman ang pagtaas ng mga bilihin at serbisyo sa Camarines Sur sa 7.4 percent na sinusundan ng Masbate na may 7. 2 percent.

Ang Albay ay pareho sa Camarines Norte sa 6. 0 percent habang pinakamabagal naman ang naging pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Catanduanes sa 5. 5 percent at Sorsogon sa 5. 8 percent.