Pamamahagi ng educational assistance, isasagawa na sa mga lokal na pamahalaan

Kinupirma ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na simula sa ngayong Sabado ay ibababa na nila sa mga local government units ang payout para sa mga claimants ng educational assistance.

Ayon kay Tulfo, sa mga lokal na pamahalaan na gagawin ang pamamahagi ng mga ito, matapos dagsain ang kanilang mga tanggapan nitong Sabado sa kanilang unang araw ng application para sa AICS.

Kaugnay nito, inaaral na raw nila ang iba pang pamamaraan para sa distribution partikular na ang pagiging ‘alphabetical mode’ para sa mga benificaries.

Ipauubaya naman na nito sa mga LGUs ang mga lugar kung saan ipamamahagi ang educational aid.

Maari umanong gawin ang mga ito sa mga covered courts, at iba pang mga halls ng LGUs par ama-decentralize ang payout system.

Muli namang ipinaalala nito na hindi na kasama ang mga 4Ps beneficaries sa educational aid.

Sa huling tala, aabot na sa 53,000 individuals ang nakatanggap ng aid na nagkakahalaga ng P154Million.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

DILG, inatasan ang mga LGUs na makipagtulungan sa pamamahagi ng mga educational assistance

Inasatan na ng Department of Interior Local Government ang mga LGUs sa bansa na makipagtulungan na sa Department of Social Welfare and Development sa pamamahagi ng educational assistance.

Sa isang payahag, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na dapat ay magbigay ng manpower ang mga lokal na pamahalaan sa pagfa-facilitate ng aid distribution.

Ito umano ay para masigurong magiging ‘orderly’ pa rin ang pamamahagi ng financial aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Matatandaaang dumagsa ang mga nais makakuha ng educational assistance sa Central Office ng DSWD kaya napagdesisyunan nito, katuwang ang DILG na bumalangkas ng memorandum of agreement para ibaba sa mga munispyo ang kanilang payout system.

Sa order ni Abalos, pinakikilos na ang mga LGUs na magtakda ng mga fixed venues para sa pamamahagi ng mga nabatid na aid.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Palasyo, nanawagan sa mga pipila sa mga tanggapan ng DSWD na sumunod pa rin sa mga minimum health standards para maiwasan ang pagiging ‘super-spreader’ event nito

Umapela ang Palasyo sa publiko, partikular na sa mga pipila’t pupunta sa mga tanggapan ng DSWD para sa kanilang mga educational aid, na sana raw ay panatiliin nito ang order at lalo na ay sumunod sa mga health protocols.

Nanawagan si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa mga claimants at mga benificiaries na i-observe pa rin ang ipinaiiral na minimum health public standards.

Sa ganitong paraan aniya – maiiwasan ang posibleng hawaan ng COVID-19 lalo na’t marami ang magsisipagdagsaan sa mga pila para makakuha ng tulong mula sa DSWD.

Giit ni Angeles, hindi pa rin tapos ang pandemya kaya naman kinakailangan pa ring mag-doble ingat ng mga Pilipino.

Inabisuhan din ng Palace official ang mga claimants na kung maaari ay idaan sa online appointment ang pagke-claim ng financial aid nang sa gayon ay hindi na ito mahirapan pang pumila.
#