House probe sa sugar mess, lumarga na

Inumpisahan na ngayong araw ang joint hearing ng House Committees on Good Government and Public Accountability at Agriculture and Food hinggil sa ‘unauthorized importation’ ng 300,000 metric tons ng asukal.

Inisa-isa ni dating Sugar Regualtory Admistration administrator Hermenegildo Serafica ang mga mandato ng board, pati na rin kung paano ang proseso ng pag-aangkat ng asukal.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Ipinaliwanag nitong dumaraan sa matinding konsultasyon at rekumendasyon ng mga stakeholders bago maaprubahan ng board ang anu mang sugar order.

Ayon kay Serafica, kung pagbabasehan ang kanilang mga datos – tatagal lamang ng 0.6 months ang nasa 54,000 metric tons na suplay ng asukal sa katapusan ng buwan.

Nanindigan ito na kinakailangan talagang mag-angkat ng asukal para magingh sapat ang suplay nito sa bansa matapos ang mga naging epekto ng kalamidad at ang pagtaas ng presyo ng asukal sa merkado.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Giit ni Serafica, ang inilabas na Sugar Order No. 3 ay pinag-aralang mabuti at well-calibrated.

Dumalo rin sa naturang pagdinig si resigned Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian.
#