Pamamahagi ng Bagyong Rolly Emergency Shelter Assistance at cash for work sa Naga City , sinumulan na

NAGA CITY-  Sinimulan na ang pamamahagi ng Emergency Shelter Assistance sa mga pamilyang nawalan ng bahay o may totally damage houses dulot ng Bagyong Rolly na nanalasa noong nagdaang taon. Kasabay nito ang pay out para sa cash for work.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Social Welfare and Development Office Chief Annable Vargas, sinabi nitong ang ayuda ng DSWD ay P13K; P10K anito ay emergency shelter assistance habang ang P3K ay para sa cash for work.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

1, 214 ang benepisyaryo mula sa 22 Barangay na may nailatang totally damage houses ayon pa kay Vargas.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Pagpupunto nito ang listahan ay mula sa Barangay, DSWD ang nag validate.

Para naman sa mga partially damage houses, sinabi ng CSWDO Chief na wala pang

abiso sa kanila ang DSWD kung kailan ipapamahagi ang cash assistance.