Inilahad ni Trade Sec. Ramon Lopez ang naging benepisyo ng ipinatupad na indipendent foreign policy ng Duterte Administration.
Sa lingguhang pulong at talk to the people ni Pangulong Duterte kagabi, sinabi ni Lopez tumaas ang exports ng Pilipinas sa China sa pag-upo nito sa pwesto.

Noong 2015 ayon kay Lopez ay nasa 6.2 billion dollars lamang ito, noong 2019 tumaas ito 59 percent o 9.8 billion dollors dahil na rin sa magandang ugnayan at kalakalan ng Chine at Pilipinas.
Kahit may pandemic sinabi ni Lopez na nagtala pa rin ng 34% export ang bansa ngayong 2021.
Maliban dito kung noon ay halos walang investment ang Tsina sa Pilipinas ,lumaki din umano ang investment ni sa Administrasyon ni Pangulong Duterte.