Pamamahagi ng ayuda sa mga apektado ng lindol sa So.Cot, nagpapatuloy

KORONADAL CITY- MAKAKATANGGAP ng shelter assistance ang mga pamilya sa South Cotabato na nasira ang bahay dahil sa pagtama ng 6.8 magnitude na lindol noong Nobyembre 17.

Ang shelter assistance ay depende sa assessment ng mga social workers. Inihayag ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ukon PDRRM OIC Rolly Aquino na 164 na mga kabahayan ang nasira ng lindol, 126 sa mga ito ang partially damage habang 38 naman ang totally damage.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang mga biktima ay una nang nakatanggap ng hygiene kits, sleeping kits, kitchen kits at food packs. Samantala, nakatanggap na rin ng financial assistance at food packs ang mga empleyado ng isang mall na pansamantalang natigil ang trabaho dahil sa malaking danyos sa gusali ng kanilang pinagtatrabuhan.

Pinasiguro ni Aquino na mabibigyan una ng ayuda ang lahat ng mga apektado sa South Cotabato bago ang mga ito maghahatid ng tulong sa mga karatig lugar. Umabot sa intensity 6 ang naramdamang pagyanig sa South Cotabato noong nakaraang linggo kung saan 375 na mga indibidwal ang nakaranas ng hyperventilation dahil sa anxiety at panic, at mayroon ding mga hinimatay, nahirapang huminga at mga nasugatan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Maswerte namang walang binawian ng buhay dahil lindol sa lalawigan. Sa ngayon nagpapatuloy ang inspeksyon at assessment ng mga otoridad sa probinsya sa mga gusali, school building, at mga infrastructure projects.