𝗦𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗣𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥, 𝗦𝗨𝗠𝗜𝗞𝗟𝗔𝗕 𝗦𝗔 𝗔𝗕𝗥𝗔; 𝟱 𝗗𝗘-𝗞𝗔𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟, 𝗡𝗔𝗥𝗘𝗞𝗢𝗕𝗘𝗥

Limang matataas na kalibre ng baril ang narekober matapos ang sagupaan sa pagitan ng 50th Infantry Battalion at Komiteng Larangang Guerilla (KLG) North-Abra sa Barangay Pacqued, Malibcong, Abra.

Sa ibinahaging impormasyon ng 5TH Infantry Division, Philippine Army, ang naturang sagupaan ay tumagal ng labinlimang minuto kung saan limang miyembro ng KLG- North Abra ang nakasagupa ng militar.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Narekober sa lugar ang isang M14 rifle, tatlong M16 rifles, isang K3 light machine gun at dalawang bandolier.

Ang nasabing mga armas ay pinaniniwalaang iniwang ng mga NPA nang sila ay tumakas habang wala namang napaulat na nasaktan sa hanay ng kasundaluhan.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa ngayon ay nasa kustodiya nan g kasundaluhan ang mga narekober na armas para sa kaukulang disposiyon.

Inihayag ni 5ID Commander MGen Audrey Pasia na ang pagkakarekober ng naturang mga armas ay nagpapatunay lamang ng paghina ng kilusan bunsod ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga natitirang kasapi ng NPA.