KORONADAL CITY – WALANG halong pamumulitka ang distribusyon ng ayuda para sa mga naapektuhan ng El Nino sa Koronadal City. Ito ang nilinaw ni City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO Officer Cyrus Jose Urbano ng Koronadal.
Ayon kay Urbano, kanilang vina-validate ang mga naidadag sa listahan gayundin ang mga nailista na. Dagdag nito na hindi maiiwasan na mayroong mga reklamo gaya nito ngunit kanila itong na-minimize sa tulong ng ibang mga opisina.
Maaalala na nasa 25,000 ang benepisyaryo ng food packs sa lungsod kung saan target nito na masagot ang kanilang pangangailangan bilang mga pamilya sa lungsod lalo na ang mga mga indigent citizens.
