Pagtaas ng kaso ng tuberculosis sa Naga City, ikinaalarma ng Naga City Health Office

NAGA CITY – Ikina-alarma ng Naga City Health Office, ang pagtaas ng kaso ng tuberculosis sa lungsod na may datus na 590 simula Enero hanggang Hulyo 2024, mataas nitong 2023 sa parehong peryodo.

Kung saan nakukuha ng tao sa hangin mula sa pag-ubo ng isang indibidwal na may impeksyon ng naturang sakit lalo na kung mahina ang resistensya ng katawan.

Sa panayam kay Dr. Denise Arielle Casin, Medical Officer 3, 13 ang kasalukuyang nasa gamutan, at kailangang ipagpatuloy sa loob ng anim na buwan, upang hindi na bumalik pa ang sakit. Kaya lamang kahit sapat pa ang gamot, problema pa rin ang supply para sa tuberculosis matapos na mahinto ang pagsusupply ng Department of Health at ang mga Lokal na Pamahalaan na mismo ang bibili, na kailangan lalo na ng mga pasyenteng wala gaanong kakayahan na makabili ng gamot.

Pagpapa-alala ng Doktor, upang maiwasan na mahawaan o makahawa ugaliin ang paghuhugas ng kamay, kung babahing o uubo takpan ang bibig, maging malinis din sa katawan kasama na ang pagkain ng mga masustansyang pagkain.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash