Binigyang-diin ni Senate President Migz Zubiri na hindi tulad ng ibang panukalang batas ay kailangan ng mas masinsinang pag-aaral ang pagtalakay sa pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon.
Kaugnay nito, tiniyak niyang pag-aaral nila ng mabuti sa Senado ang tungkol dito at ‘di sila papayag na mahulog sa anumang ‘trap’ ng deadline.
Alinsunod dito ay ipinagkakatiwala umano ni Zubiri ang timeline kay Senador Sonny Angara na siya namang iniluklok bilang chairman ng Senate Subcommittee on amendments and revision of codes.
Maalala, ayon kay Angara, Oktubre ang itinakda niyang personal deadline para rito upang ma-finalize rin agad ng Commission on Elections (COMELEC).