Pamahalaang panlalawigan ng Isabela, kinilala sa 2024 Pasidungog Award

Binigyan ng pagkilala ng Office of the Vice President ang Provincial Government of Isabela sa 2024 Pasidungog Award na isinagawa noong sabado sa Radisson Blu Hotel sa Cebu City.

Kinilala din ng OVP ang Provincial Information Office, Provincial General Services Office, Provincial Social Welfare and Development Office, at Office of the Provincial Agriculturist dahil sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa ibat ibang mga programa na ipinapatupad ng OVP.

Read More:  Former NPA member surrenders, leads army to weapons cache in Iloilo

Personal na tinanggap ni Isabela Governor Rodito T. Albano III ang plake ng pagkilala.

Maliban sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela, kinilala din ng OVP-Cagayan Valley Satellite Office, ang Cauayan Family Hospital, Physical Therapy & Sensory Integration Center, Boulevard Pharma and Medical Supplies Distribution, RC2 Trading dahil sa kanilang medical assistance.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

Ang “Pasidungog” ay salitang Visaya na ang ibig sabihin ay “to give honor”.